| 0 comments ]

Ang Lalola star na si Rhian Ramos ang sumalang sa "Gimme Mo" segment ni Mo Twister sa Showbiz Central last Sunday, January 25. Sina JC de Vera, Chynna Ortaleza, Keempee de Leon, Isabel Granada, at Richard Gutierrez ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Rhian na pumili ng five Most Wanted Questions na itatanong ni Mo sa young actress.

stars Most Wanted Question No. 5 Kayo na ba talaga ni JC de Vera? Officially, kayo na ba talaga?

"No!" sagot ni Rhian.

Why no? Nakikita sa mga VTR, sa look in your face, twinkle in your eyes? Sinasabi mo rin na ngayon ka lang nagki-care this much? So, why ‘no?’ Who are you kidding?

"Who am I kidding? Joke lang! Well, marami namang mga bagay na first time kong gawin or marami pang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. It's just that, oo, siya pa lang or ngayon pa lang nagkaroon ng ganitong feelings at hindi pa nangyayari sa akin, pero hindi pa kami umaabot sa point na kami na."

This is the first time you had this feeling. So, are you in love with JC regardless kung kayo na or hindi pa?

"Strong word!" natatawang sabi ni Rhian. "Yung problema, oo, first time kong ma-feel ‘yung feelings na ganito. So dahil doon, hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila."

So officially, not together at hindi mo pa alam na in-love ka?

"Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya." read more

0 comments

Post a Comment