by Bernie Franco
Isang tribute ang naging episode ng The Buzz kahapon (Marso 8) para sa yumaong OPM icon na si Francis Magalona. Habang nasa studio ang dalawang host na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez, nag-ulat naman mula sa Christ The King, Green Meadows, Quezon City si Kris Aquino kung saan nakaburol ang mga labi ni Francis.
Highlight sa The Buzz kahapon ang interviews sa mga showbiz friends ni Francis upang balikan ang kanilang masasayang alaala nang nabubuhay pa ang singer-host. Kabilang na roon ang kanyang Eat Bulaga family kung saan almost anim na taon ding naging host si Francis. Nawala si Francis sa nasabing show nang ma-diagnose siya ng leukemia. Naging emosyunal din ang mga host ng nasabing show na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Pia Guanio at Allan K sa pagkwe-kwento. “Ang tawag namin d’yan, si Wild Boy. Sa akin little boy ko din ‘yang si Kiko hanggang sa mawala siya. Playful ‘yan, masaya,” pagbabalik-tanaw ni Joey. “Ang sense of humor niyan ibang klase. Medyo may pagka-wild nga lang. He’ll always be si Baby Face.” Dagdag pa ni Michael V. isang tunay na kaibigan at genuine ang pagiging makabayan ni Kiko. “Iilan lang naman ‘yung totoong kaibigan ko, eh and Francis was the first and the best friend that I’ve had.” read more
[Sunday, March 08, 2009
|
0
comments
]
0 comments
Post a Comment